Dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsabak sa pulitika ng kaniyang tatlong anak.
Ito’y sa kabila ng pagtutol ng pangulo sa political dynasty.
Sa kaniyang talumpati sa 44th Philippine Business Conference and Expo sa Manila Hotel, sinabi ni Pangulong Duterte na ang pagtakbo ng kaniyang anak na sina Davao City Mayor Sara, dating Davao City Vice Mayor Paolo at Sebastian ay para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa lungsod.
Tatakbo sa 2019 midterm elections si Sara bilang alkalde ng Davao, habang congressional seat ang target ni Paolo at bise alkalde naman ng lungsod si Sebastian.
“So ayoko ng dynasty, but we are forced. Ako, ayoko na 73-years-old, I could not see Davao go back in shambles, so I insisted on my daughter kasi kaya niya.” Pahayag ni Duterte.