Dismayado ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na aniya’y palagi na lamang problema ng bawat administrasyon.
Gayunman, sinabi ng pangulo na hindi siya titigil para puksain ang korupsyon sa PNP sa natitirang dalawang taon ng kaniyang termino.
Sa katunayan, ipinabatid ng pangulo na nagbigay na siya ng direktiba kay Interior Secretary Eduardo Año para burahin ang katiwalian sa PNP at nasa kamay na anito ng kalihim ang magiging kinabukasan ng PNP sa mga darating na taon.
Wala pang naitatalagang bagong PNP chief ang pangulo ilang buwan matapos bumaba sa puwesto si General Oscar Alyabalde.