Dumating na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang napaiksing pagtungo sa Japan para masaksihan ang enthronement ni Emperor Naruhito.
Ayon kay Senador Bong go, eksakto 10:41 kagabi nang dumating ang Pangulo.
Dumiretso agad sa burol ni yumaong dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel si Pangulong Duterte pagkadating sa Villamor Airbase.
Kasama nito si Senador Go sa pagpunta sa Heritage park upang makiramay sa pamilya ni Pimentel.
Matatandaang natunghayan pa ng Pangulo ang enthronement ng emperador ngunit hindi na ito nakadalo sa enthronement sa Imperial Palace.