Dumating na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Busan, South Korea para sa kanyang pagdalo sa ASEAN – Republic of Korea Commemorative Summit.
Lumapag ang sinasakyang eroplano ng Pangulo sa Gimhae Air Base sa Busan pasado ala una ng madaling araw sa South Korea.
Winelcome ang Pangulo at delegasyon nito nina Philippine Ambassador to the Republic of Korea Noe Wong, Chief of Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Eric Borje, Korean Ambassador to the Philippines Han Dong – Man at iba pang opisyal.
Inaasahang makikipagpulong ang Pangulo kay South Korean President Moon Jae – In kung saan lalagda ang mga ito sa ilang kasunduan.