Nanguna sina Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Davao City mayor Sara Duterte-Carpio sa isinagawang Presidential at Vice Presidential survey.
Ayon sa RP-Mission and Development Foundation Inc., nanguna ang presidential daughter sa iba pang potensyal na presidential candidates na may 32.25 percent preference rating.
Habang si Pangulong Duterte naman ay may 21.81 percent preference rating.
Mababatid na nakakuha ng highest voter preference ang alkalde sa Mindanao na may 60.17 percent, sinundan ng Visayas at Luzon.
Sa Mindanao rin nakakuha ng highest voter preference ang Pangulo na may 37.47 percent.
Samantala, isinagawa ang survey noong Agosto 1 hanggang 19 sa 10,000 respondents na pawang mga rehistradong botante.