Nanguna ang mag-amang Duterte sa presidential at vice presidential survey na isinagawa ng OCTA Research noong nakaraang buwan ng Hulyo.
Sa survey na isinagawa noong Hulyo 12 hanggang 18, lumabas na 28% ng Adult Filipinos Respondents ang nagpahayag na suportado nito si Davao City Mayor Sara Duterte sa posibleng pagtakbo nito sa pagkapangulo sa susunod na taon.
Sinundan ito nina Dating Senador Bongbong Marcos na may 13%, Manila Mayor Isko Moreno na may 11% at sina Senadora Grace Poe at Senador Manny Pacquiao.
Bukod dito, pasok din sa naturang survey sa pagkapangulo sina Vice President Leni Robredo, Taguig Representative Alan Peter Cayetano, at iba pa.
Samantala, sa kaparehong survey, lumabas din na 18% ng mga respondents ang nagsabi suportado nila ang posileng kandidatura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-pangalawang pangulo.
Pumangalawa kay Pangulong Duterte si Moreno na may 11%, ikatlo si Cayetano, Poe, na kapwa may 10%.
Mababatid na ang naturang non-commissioned survey ay nilahukan ng 1,200 na mga respondents.