Balik-kampanya na at balik na rin ang enerhiya ni Davao City Mayor at presidential candidate Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos atakehin ng migraine at ma-ospital si Duterte sa unang araw pa lang ng kampanya.
Ayon kay Mar Masanguid, Founder & President ng Duterte for President 2016, abala na si Duterte sa pag-iikot ngayon sa Davao para mangampanya.
Normal din aniya sa mga kandidato na may nararamdaman sa katawan lalo na kapag tumuntong na sa edad na 70.
Naniniwala ang grupo ni Masanguid na malusog si Duterte at tapat lamang ito sa pagsasabi ng kanyang mga nararamdaman sa katawan.
“Normal yan, yung iba meron ding nararamdaman kaya lang hindi sinasabi sa taongbayan, iba kasi si Duterte dahil talagang prangka yan, totoong tao, pag ganyan naman na edad talagang meron nang mararamdaman ang tao.” Pahayag ni Masanguid.
By Mariboy Ysibido | Balitang Todong Lakas