Ginagawan ng paraan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pagliligtas sa mga dayuhan at Pilipinang kinidnap sa isang report sa Samal Island.
Sinabi ni dating Northern Cotabato Governor Manny Piñol na ito ay dahil mayroong malalim na ugnayan ang alkalde sa iba’t ibang grupo sa Bangsamoro.
“Alam mo na si Rudy, malalim ang koneksyon sa mga Bangsamoro, MILF, MNLF, he even has connections with NPA, now in he’s in Zamboanga City, and he’s working on the release of the 3 foreigners, we might succeed we might not, but what’s expectacular about this guy is the fact that even out if his area, he feels that he is responsible for the safety of the people.” Pahayag ni Piñol.
Additional Time
Samantala, posibleng magbago ang isip ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagtakbo nito sa presidential elections sa 2016.
Sinabi ni dating Northern Cotabato Governor Manny Piñol na ito ay dahil bukod sa malambot ang puso ng alkalde, isa din itong lider na nakikinig sa panawagan ng publiko.
“Sa likod ng kanyang imahe na matapang, tirador at whatever, malambot ang puso ni Rudy, umiiyak ito, a leader like Duterte will always listen to the voice of the people and will always stand up to the challenge of the people.” Ani Piñol.
Hindi din aniya nababahala si Duterte sa pagbaba ng kanyang rating sa presidential surveys, dahil kung titingnan nananatili pa din itong mataas sa kabila ng kanyang naunang pahayag na hindi siya tatakbo.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay Ginoong Piñol
AFP
Samantala, hindi pa nakakausap ng mga otoridad si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kaugnay sa mga impormasyon nito sa lugar na posibleng pinagdalhan sa 3 dayuhan at 1 Pilipina na dinukot sa Samal Island.
Ipinabatid sa DWIZ ni AFP Spokesman Lt. Col. Restituto Padilla na hinihintay ng Western Mindanao Command ang mga impormasyong ibibigay ni Duterte hinggil sa lagay ng mga naturang bihag.
“Apparently po may mga sources po si Mayor Duterte at yun nga po ang hinihiling namin nitong nakaraang weekend, na sana ay makipag-ugnayan siya sa mga otoridad sa Western Mindanao Command sa Kapulisan at sa militar nang sa gayon ay ma-validate, makipagtulungan, matukoy kung may basis at confirmed ang mga impormasyon na ito.” Pahayag ni Padilla.
By Katrina Valle | Ratsada Balita | Judith larino | Kasangga Mo Ang Langit