Ginawang mas delikadong lugar ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansa.
Ito ang naging puna ng Amnesty International Philippines ilang araw bago ang paglalahad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang ikatlong State of the Nation Address o SONA sa Lunes.
Ayon kay AI Philippines Section Director Jose Noel Olano, bigo ang administrasyong Duterte na siguruhin ang seguridad at tugunan ang pangunahing pangangailangang pang ekonomiya ng mga Pilipino.
Bumagsak din ang human rights agenda ng Pangulo habang umuusad ang panunungkulan nito habang naging matigas din ito sa pagtanggap sa mga puna ng kanyang mga kritiko.
Nanaig din aniya sa lahat ng lebel ng administrasyon ng Pangulo ang impunity at lack of accountability.
—-