Inihayag ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na hihingi ng payo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga doktor kung pupwede itong magpabakuna sa harap ng publiko para mapawi ang agam-agam ng publiko sa bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Senador Go, noong nakausap niya ang Pangulo, sinabi nito na nakahanda naman siyang magpabakuna pero hihintayin muna ani Pangulong Duterte ang ‘go signal’ ng kanyang mga Doktor.
Kasunod nito, sa isang pahayag, sinabi rin ni Senador Go na nakahanda siyang samahan ang Pangulo na magpabakuna sa harap ng publiko.
Giit nito, ito’y kung makatutulong sila ng Pangulo na mapawi o kaya naman ay mabawasan ang takot ng bawat Pilipino sa pagpapabakuna.
Pero nilinaw ni Go na ang naturang hakbang ay hindi para unahang mabakuhan ang mga kabilang na sektor sa priority list ng vaccination program na pinangungunahan ng mga health workers sa bansa maging ang mga vulnerable individuals gaya ng mga nakatatanda, Persons With Disabilities (PWDs)
Nagka-usap din po kami ni Pangulong Duterte, ‘pag nagbigay nap o ng clearance ang kanyang mga Doktor, willing po kami magpabakuna sa publiko,″ pahayag ni Go.