Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na maunang magpabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito aniya ay sakaling magsimula na ang clinical trial sa Pilipinas ng bakunang iniaalok ng Russia sa Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Duterte, boluntaryo siyang magpapabakuna sa harap ng publiko para makita kung ano ang magiging reaksyon nito sa katawan.
Dagdag ng pangulo, pagpapakita na rin aniya itong malaki ang kanyang tiwala sa isinasagawang pag-aaral ng Russia hinggil sa COVID-19.
Naniniwala rin aniya siyang makabubuti sa sangkatauhan ang na-develop na bakuna ng Russia.
Samantala, nakatitiyak naman ang pangulo na magiging available na ang bakuna kontra COVID-19 sa susunod na buwan o sa Oktubre.