Tila lumambot na umano si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa hirit ng kanyang mga supporter na tumakbo sa pagka-Pangulo sa susunod na taon.
Ito’y matapos igiit ni Duterte na magdedesisyon siya kung anong makabubuti sa kanya at sa partido.
Sinasabing itinutulak ng PDP-Laban si Duterte bilang “substitute” ni presidential candidate Martin “Bobot” Diño hanggang December 10.
Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Duterte na kung pinapayagan naman ang “substitution” ay tatalima siya anuman ang mapagpapasyahan ng PDP-Laban.
Ayon pa sa alkalde, handa siyang ikonsidera ito at makinig dahil ang nais niya ay kung anong makabubuti sa partido at sa mamamayang Pilipino.
By Jelbert Perdez