Handa na ang Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa puwesto sa 2019.
Tiniyak ito ng Pangulo kapag nagtagumpay na ang isinusulong na Pederalismo.
Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod na rin nang pagbatikos ng ilang kritiko sa draft ng Federal constitution na binuo ng Consultative Committee na nagsasabing maaari pa siyang tumakbo muli bilang pangulo at maupo hanggang 2030.
Sinabi ng Pangulo na nais niyang magkaroon ng presidential elections bago ang transition period mula unitary patungong federal government para makababa na siya sa puwesto pagsapit ng 2019.
Nakatakdang isumite ng Consultative Committee ang binuong draft ng Federal constitution sa Pangulong Duterte sa Lunes, July 9.