Handa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na isyuhan ng armas ang mga bumbero sa bansa.
Ito mismo ang inihayag ng pangulo sa kaniyang talumpati sa 28th founding anniversary ng Bureau of Fire and Protection (BFP).
Ayon sa pangulo, hindi lamang limitado ang trabaho ng mga bumbero sa pag-apula ng apoy tuwing may sunog kundi dapat ay tumutulong din ang mga ito sa mga pulis at militar na patayin ang mga kalaban.
“Pa-issuehan ko kayo ng baril. Kayong mga bumbero, pagkatapos ng tubig, tao naman ang hanapin ninyo,” Duterte said.
“You have to help in the law and order. You are not limited to just fire. That’s a bullshit idea. You have to go around and help the policeman and the military. You must help kill the enemy kasi ang enemy ninyo papatayin talaga kayo.”
Gayunman, pinapurihan ng pangulo ang mga bumbero sa kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho kung saan nalalagay sa alanganin ang kanilang kaligtasan ngunit nagagawa pa rin aniya ng mga ito ang kanilang tungkulin.
Kaugnay nito, tiniyak ng punong ehekutibo na ipagpapatuloy ng administrasyon ang pagsusulong sa mga programa at iba pang inisyatibo na makakatulong sa kanilang professional at operational capabalities.
“I assure you that this administration will continue to pursue programs and other initiatives that will enhance your professional and operational capabilities,”
Ang tinig ni pangulong Rodrigo Duterte.