Nakahanda ang Pangulong Rodrigo Duterte na magbenta ng ari-arian ng pamahalaan upang makabili ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sakaling magkaroon na nito.
Ayon sa Pangulo, mangangailangan ng 110 million na bakuna para mabigyan ang lahat ng Pilipino.
Umaasa ang Pangulo na hanggang sa Disyembre ay lalabas na ang bakuna para sa COVID-19.
Maghintay lang kayo ng konti, para sa mga plano natin put it something like hanggang towards the end of the year but if there is a thing that develops which is really good for you all, mauna ako, mag-utang ako, magpabili ako ng lupa para ibili ko ng medicine,” ani Duterte.