Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa pwesto kapag napatunayang mahigit sa 40 milyong piso ang nilalaman ng kanyang bank account.
Ito ang inihayag ng Pangulo kasabay ng inagurasyon ng Northern Mindanao Wellness and Reintegration Center sa Malaybalay, Bukidnon kahapon.
Hinamon pa ni Pangulong Duterte, ang Broadcasting Network Company na ABS-CBN at iba niya pang kritiko na sumama sa kanya sa Bangko Sentral ng Pilipinas para i-check ang kanyang bank account.
I am challenging ABS-CBN. Magpunta kami sa Central Bank. I will tell the governor to open my account. Kapag sumobra ng ₱40 million, I will step down. Pahayag ni Duterte
Kasabay nito, muli namang binanatan ni Pangulong Duterte ang ABS-CBN.
Aniya, kung siya ang masusunod hindi niya na i-re-renew ang franchise ng nasabing network company na tinawag pa nitong magnanakaw at manloloko ng mga maliliit na mamamayan.