Muling nagpatutsada si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay administration bet Mar Roxas.
Ito’y makaraang kumasa si Duterte sa hamon ni Roxas para sa isang maginoong debate.
Ayon kay Mayor Digong, handa niyang harapin si Roxas sa debate kung magagawa nitong pumangalawa sa mga survey.
Aniya, mas mainam aniyang pagandahin muna ni Roxas ang kaniyang ratings sa mga survey bago siya hamunin ng isang debate.
Kasalukuyang nangunguna si Duterte habang nangungulelat naman si Roxas sa mga poll survey.
By Jaymark Dagala