Handang tulungan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Rohingya Refugees na ipinatutulakan sa ibang mga bansa sa Asya.
Sa talumpati sa distribusyon ng mga titulo ng lupa sa Cotabato City, sinabi ng Pangulo na bukas ang Pilipinas para sa mga ito at maaari silang manirahan kung kanilang gugustuhin.
Sinabi ng Pangulo na naaawa siya sa kalagayan ng naturang mga refugees dahil walang bansa na gustong tumanggap sa mga ito.
Inialok ng Pangulo ang Mindanao kung saan malaki pa aniya ang lupa at maaari itong ibahagi sa mga Rohingya.
Sa lugar na ito umano ay maaari silang matutong magtrabaho sa bukirin at makapagtanim para mabuhay.
Ako I’m ready to accept the Rakhine people, paghahati-hatian namin ng Malaysia at Indonesia. Tumanggap na tayo noon ng Vietnamese ‘di ba? Panahon ng Amerikanon diyan sa Palawan”, ani Duterte.