Hihingin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opinyon ng mga health experts sa bansa kung dapat pang palawigin ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) o dapat na itong luwagan.
Itong ang naging pahayag ni dating Special Assistant to the President at ngayo’y Senador Christopher “Bong” Go.
Dagdag pa ni Go, ang mga inimbitahang health experts ng pangulo ay ang mga nagsilbing kalihim ng Department of Health (DOH) sa iba’t-ibang administrasyon na kung saan magbibigay ng kani-kanilang mga payo kung anong mga hakbang ang nararapat gawin pagtapapos ng ika-30 ng Abril, na mismong araw ng pagtatapos ng ECQ.
Magugunitang dalawang beses nang pinalawig ang ipinatutupad na ECQ makaraang lumobo ang bilang ng mga nadadapuan ng COVID-19.
Samantala, giit ni Go, dapat aniyang higpitan ang pagpapatupad ng ECQ sa susunod na 11 araw hanggang sa pagtatapos nito para hindi na kumalat pa ang virus.