Hihingin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tulong ng kongreso hinggil sa plano niyang buhayin ang Philippine Constabulary o PC dahil mangangailangan ito mg constitutional amendment.
Sa sandaling matupad ito, ang Philippine Constabulary ay ilalagay sa ilalim ng military structure at hindi sa PNP o Philippine National Police.
Sinabi ni Pangulong Duterte na malalim na ang katiwalain sa pnp bagamat hindi lahat kaya’t kailangan ang mga bagong pulis na magbabangon sa kredibilidad ng institusyon.
Nauna rito, inihayag ng Pangulo na nawalan na siya ng tiwala sa PNP kayat kailangang maipatupad ang seryosong paglilinis sa hanay ng mga ito.
By Meann Tanbio | Report from Aileen Taliping