Rekomendasyon na lamang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inaantay ni Pangulong Rodrigo Duterte bago magdesisyon kung palalawigin pa ang umiiral na batas militar sa Mindanao.
Ito ng naging pahayag ng pangulo kagabi sa isang press conference sa Malakanyang.
Aniya, wala pa kasi umano siyang natatanggap na rekomendasyon pero handa siyang ipaubaya ang magiging assesment sa AFP dahil may tiwala naman siya rito.
Una nang inihayag ng AFP na kanila nang pinag-aaralan ang posibleng pagpapalawig pa sa martial law.
Matatandaang pinairal ang martial law sa Mindanao noong taong 2017 matapos ang ginawang pag-atake ng Maute terrorist group sa Marawi City.