Hinamon ng isang grupong pangkalikasan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary na kayang tumapat sa kakayahan ni Secretary Gina Lopez.
Ayon kay Clemente Bautista, national coordinator ng Kalikasan People’s Network for the Environment o Kalikasan PNE, sa pamamagitan nito ay makakatiyak sila na maipagpapatuloy ang mga nasimulang reporma ni Lopez sa Department of Environment and Natural Resources.
Iminungkahi ni Bautista ang pagkunsulta ng Pangulo sa iba’t ibang sektor upang matiyak na isang maayos na tao ang mailalagay nito sa DENR.
Inihalimbawa ni Bautista ang mga anya’y, maaayos na appointees ng Pangulo tulad nina Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano at Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Judy Taguiwalo.
“Nakita naman natin sa mahusay na performance, papatol ang bahid ng korapsyon at performance ay tumatanggap sila ng maraming batikos at opposisyon mula doon sa malalaking tao yung mga tinatawag na oligarpiya dito sa ating lipunan partikular doon sa gobyerno ni Duterte dahil ayaw nilang mabago yung pangit na kalakaran dati noh? Na para lang sa malalaking tao lamang”, pahayag ni Clemente Bautista, national coordinator ng Kalikasan Peoples Network for the Environment sa panayam ng DWIZ.
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Photo Credit: Kalikasan PNE Facebook Page