Hinamon ng Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na ilabas ang nalaman nito sa giyera kontra droga ng administrasyon.
Sinabi ng pangulo na tila natatakot ang bise presidente kayat hindi pa nagsasalita.
Sinopla rin ng pangulo ang mga naging aksyon ni Robredo habang nakaupo ito bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Tinutukoy ng pangulo ang pakikipag pulong ni Robredo sa mga opisyal ng U.S. embassy sa Maynila kasama ang mga kinatawan ng U.S. Federal Bureau of Investigation, Drug Enforcement Administration, U.S. State Department, at U.S. Agency for International Development.