Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison na umuwi na sa Pilipinas para kanyang maka-one-on-one.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang magiging anumang government panel na involved at maging ang panel ng komunistang grupo, bagkus ay ang pangulo lamang at si Sison.
Siniguro aniya ng pangulo na hindi dadamputin si Sison at walang anumang kondisyon na ilalatag ang pangulo bago ang magiging pag-uusap.
Wala rin aniyang itinalagang time line ang pangulo para sa kanilang magiging pagpupulong.
Kasama anya sa inaasahang itatanong ng pangulo ay ang pag labag ng CPP-NPA sa itinakdang ceasefire ng magkabilang panig.