Hinamon ng grupong Kadamay si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na agad kasuhan at ipakulong si Pangulong Benigno Aquino III kapag ito ay naiproklama nang pangulo ng bansa.
Ayon kay Michael Beltran, ito ay dahil sa walang humpay na pagpapa-demolish ni Aquino sa kanilang mga tahanan dahil sa pagbibigay nito ng pabor sa mga dayuhang negosyante.
Umaasa din ang grupo na tutuparin ni Duterte ang pangako nito hinggil sa seguridad sa tahanan ng mga informal settlers.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)