Siniguro ng Palasyo na hindi agad lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang anti-terror bill, kahit pa sinertipikahan niya itong urgent.
Sa pahayag ng tagapagsalita ng Pangulo na si Presidential Secretary Harry Roque, sinabi pa rin niya na daraan pa rin ang naturang panukala sa bicameral conference committee.
Dagdag pa ni Roque, bubusisiin din aniya ng Pangulo ang panukalang batas, para malaman kung mayroong mga probisyon dito ang labag sa konstitusyon.
Samantala, iginiit din ni Secretary Harry Roque, na hindi railroaded o minadali ang anti-terror bill.