Hindi umano magtatagumpay ang tangkang ipa-impeach si President elect Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni incoming House Speaker at Davao Del Norte Representative Pantaleon Alvarez, sa isang multimedia forum sa Makati City.
Binigyang-diin ni Alvarez na mahirap i-impeach ang tulad ni Duterte na isinalarawan nito bilang matatag na lider.
Si Alvarez ay malapit na kaibigan ni Duterte at kapartido sa PDP-Laban.
Kaugnay dito, ipinangako ni presumptive House Speaker Pantaleon Alvarez na mananatili itong patas sa mga miyembro ng minority sa pagbubukas ng 17th Congress na inaasahan nang mado-dominate ng super majority.
Sinabi ni Alvarez, magiging patas ito sa pagbibigay ng Committee Chairpersonship at pondo sa lahat ng mambabatas, kahit pa sa m ga miyembro ng minority na hindi bumoto sa kanya na maging house speaker.
Kaugnay nito, pinawi ni Alvarez ang agam-agam na, dahil sa super majority bloc, baka laging pasado sa mababang kapulungan miski na ang mga kwestyonableng panukala.
Kumpyansa si Alvarez sa demokratikong proseso sa kongreso at nariyan, aniya, ang minority at super majority block upang pag-usapan ang mga isyu.
By: Meann Tanbio / Avee Devierte