Nanindigan ang palasyo ng Malakanyang na hindi mangingialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa diskarte ni Vice President Leni Robredo sa pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, mananatiling accountable ang Bise Presidente sa Pangulo dahil isa ito sa polisiya ng punong ehekutibo.
Gayunpaman, hahayaan na nito kung si Robredo na bumuo ng kanyang sariling plano bilang co-chair ng Inter-Agency Committee On Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Dagdag pa ni Panelo, ito na ang pagkakataon ng Bise Presidente para maitama ang mga nakitang mali sa kampanya laban sa droga ng administrasyon.
Magugunitang incompetence ang isa sa mga dahilan kung bakit nasisibak sa pwesto ang ilang opisyal ng pamahalaan.