Pinag babawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng kanyang gabinete na magtungo sa Amerika.
Ayon sa Pangulo, indefinitely ay hindi na muna maaring magbyahe ang mga ito sa Amerika dahil itinuturing niya itong ”boycott” sa naturang bansa.
Paliwanag ng Pangulo, bahagi aniya ito ng kanyang unti–unting pag pagbitaw o toning down sa relasyon ng bansa sa Amerika.
Tinukoy din ng Pangulo na hindi na siya dadalo sa nakatakdang Southeast Asian Leaders meeting na gaganapin sa Las Vegas sa March 4 dahil sa umano sa strategic at geopolitical considerations.
Nilinaw ng Pangulo na hindi rin siya magtatalaga ng opisyal na kakatawan sa kanya sa naturang event.
Samantala, nilinaw din ng Pangulo na seryoso siya sa desisyong ibasura na ang Visiting Forces Agreement ng Pilipinas sa Amerika kasunod ng pagkansela ng visa ni Senador Ronald ”Bato Dela Rosa”.
Nag ugat ito sa pagpasa ng US Senate ng resolusyon na patawan ng parusa ang mga nasa likod ng pagpapakulong kay Senador Leila De Lima.