Naniniwala ang Malakanyang na hindi na kailangan na konsultahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang gabinete kaugnay sa pagbasura ng Visiting Forces Agreement (VFA) pagitan ng bansa at Amerika.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, magaling na abogado ang Pangulo at matagal nang pinag-aralan ang sitwasyon bago nagdesisyon na ibasura ang VFA.
Saka na lamang aniya kukunsulta ang Pangulo sa kanyang gabinete kung may mga usapin sa bansa na hindi siya sigurado.
Sa kabila nito, suportado naman ng buong gabinete ang desisyon ng Pangulo na ibasura ang naturang kasunduan.