Wala nang planong magtalaga pa ng bago anti – illegal drug czar si Pangulong Rodrigo Duterte matapos sibakin si Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Interagency Committee In Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Pangulong Duterte, nadala na siya sa pagtalaga niya kay Robredo.
Sinabi ng Pangulo, noong nakipag-usap si Robredo sa mga opisyal ng US Embassy sa unang araw pa lamang nito sa puwesto ay kanya nang naisip na sibakin ito agad.
Iginiit ng Pangulo, inuna pa ni Robredo na kausapin ang mga taga-ibang bansa kaysa pulungin ang mga alkalde, barangay captain at iba pang may kinalaman sa drug rehabilitation sa bansa.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, kanya nang pinalagpas ang aniya’y pagga-grandstanding ng Pangalawang Pangulo sa simula pero hindi itotumigil dahilan kaya sinibak na lamang niya ito sa puwesto.