Hindi natinag sa unang puwesto sa #BosesNiJuan2016 Presidential survey si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sa kabila ito ng pormal na pag-endorso ng Pangulong Benigno Aquino III kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas bilang standard bearer ng Liberal Party (LP).
Sa resulta ng Boses ni Juan Survey para sa linggong ito, halos 27 percent ng mga boto para sa pagka-Pangulo ang nakuha ni Duterte.
Pumpangalawa pa rin sa kanya si Senador Grace Poe na may 23.24 percent ng boto at pangatlo si Vice President Jejomar binay na may 18.1 percent ng mga boto.
Statistically tie naman sina Senador Miriam Santiago na may mahigit 8 porsyentong boto at sina Senador Bongbong Marcos at Roxas na may mahigit tig-anim na porsyentong boto.
Kung ngayon gaganapin ang eleksyon, sigurado naman sa pagka-Bise Presidente si Poe na may 36. 68 percent ng boto, malayo sa pumapangalawang si Senador Chiz Escudero na may mahigit lamang sa 14 percent ng mga boto.
VACC suportado ang posibleng kandidatura ni Duterte
Samantala, suportado ng Volunteers Against Crime and Corruption ang posibleng kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Panguluhan sa 2016.
Ayon kay VACC Board Member Boy Evangelista, kaisa sila ni Duterte sa balak nitong ibalik ang parusang kamatayan sa mga mabibigat na krimen.
Binigyang diin ni Duterte na indikasyon ng popularidad ni Duterte ang hindi aniya bumababang kriminalidad sa bansa.
Naniniwala si Evangelista na isa sa mga pinakamalaking puwedeng magawa ng gobyerno ay ang ibalik ang parusang kamatayan.
By Len Aguirre | Ralph Obina
1 comment
i will vote for duterte for president..