Hindi pa handa ang mga Pilipino sa uri ng aking pamumuno.
Ito ang binigyang diin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kasabay ng muling paggiit na hindi siya tatakbo sa pagka-Pangulo sa susunod na taon.
Ginawa ni Duterte ang pahayag sa gitna ng pinaplanong “Occupy Luneta Campaign” na inoorganisa ng kanyang mga supporter.
Giit ni Duterte, bagama’t alam na niya ang mga tugon sa mga problema ng bansa ay hindi pa aniya handa rito ang mga mamamayan.
Samantala, nag-viral naman sa social media ang video ng isang Overseas Filipino Worker na umiiyak habang nakikiusap kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tumakbo sa 2016 Presidential race.
Si Minda Obeidat, isang OFW sa Qatar, ay isa sa mga nalungkot matapos ideklara ni Duterte na hindi siya tatakbo sa halalang pampanguluhan sa susunod na taon.
Giit ni Ginang Minda, pagod na siya sa mga masamang balita na naririnig niya mula sa Pilipinas at si Duterte lamang ang nakikita niyang solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.
By Jelbert Perdez