Hindi sasantuhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabing mafia sa Philhealth na pinamumunuan umano ng Mindanao Group.
Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo dahil hindi hahayaan ng pangulo na magkaroon ng iregularidad sa gobyerno kahit anupaman ang relasyon o kahit na matalik na kaibigan ng pangulo.
Sa ngayon aniya ay hahayaan muna nilang ang Ombudsman ang tumutok sa korupsyon sa Philhealth.
Una nang ibinunyag ni dating Philhealth board member Dr. Roberto Salvador sa senate hearing noong Miyerkules ang Davao Group na mafia at siyang kumukurakot sa pondo ng Philhealth.
Kabilang dito sina Khaliquzzaman Macabato, Regional Vice President in the Autonomous Region in Muslim Mindanao Atty. Valerie Anne Hollero, Assistant Corporate Secretary Datu Masiding Alonto, Jr, RVP for Northern Mindanao William Chavez, RVP for Central Visayas at Paolo Johann Perez, RVP for Mimaropa.