Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kongreso na tuluyan nang i-abolish ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC).
Ayon sa Pangulo, wala nang dapat linisin sa Ilog Pasig dahil malinis na ito at makikita na ang “state of the art” ng Pasig.
Iginiit din nito na nagsasayang lamang ng oras ang bansa at nagbabayad ng mga tao nang wala naman dahilan.
Una na rito ay sinabak sa pwesto si PRRC Executive Director Jose Antonio Goitia dahil umano sa korapsyon.
Matatandaang binuo ang PRRC sa ilalim ng administrasyon ni dating presidente Joseph Estrada para muling maibailik ang linis ng naturang ilog.