Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated (PMAAAI) na makiisa sa paglaban sa anumang uri pang-aabuso mula sa kanilang hanay.
Bahagi ito ng naging talumpati ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa annual general membership meeting ng PMAAAI sa Pasay City.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi dapat hayaan ng PMAAAI na mabahiran ang imahe ng akademiya bilang isang institusyon.
Lalo na’t saan mang bahagi aniya ng pamahalaan, kongreso man o mga ahensiya sa ilalim ng ehekutibo ay may mga nakaupong PMA graduate.
Dagdag ni Pangulong Duterte, dapat mag-ingat ang bawat PMA’yer sa pride na maaaring mauwi sa pagmamayabang at kalauna’y pang-aabuso oras na lumala ito.
Kasabay nito pinangunahan din ng Pangulo ang pagbibigay ng outstanding achievement award ng PMAAAI sa kanyang walong appointees kabilang sina dating PNP Chief at SENADOR RONALD DELA ROSA, AFP chief of staff Filemon Santos Jr. at PNP Chief Archie Gamboa.
There is a reason for a PMA’yer to be proud, proud of his mistahs, proud of his alma mater and proud of the alumni association, proud of himself this is ample reason to be the best so to speak but there is also a reason to fear and a cause to forebode, that pride if uncontrolled can easily degenerate into arrogance and from their the path of abuse open and after that only God knows,” ani Duterte.