Hinimok ng mga militanteng kabataan si presumptive president Rodrigo Duterte na itigil ang implementasyon ng K to 12 program ng Department of Education.
Ayon kay outgoing Kabataan partylist representative Terry Ridon, dapat ay i-review ang full implementation ng K to 12 program sa ilalim ng Duterte administration.
Umaasa naman si Partylist first nominee Sarah Elago na isusulong ni Duterte ang libreng public school education sa lahat ng antas.
Sa ilalim ng K to 12 program, magiging mandatory ang kindergarten, anim na taon sa elementarya (grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high school (Grade 7 hanggang 10), at dalawang taon sa senior high school (Grade 11 hanggang 12).
By: MeAnn Tanbio