Humataw sa isang Filipino expat presidential election survey si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sa online survey na isinagawa mula December 15 hanggang 20 ngayong taon ng Illustrado Magazine na nakabase sa Dubai, UAE, nasungkit ni Duterte ang landslide 87% na suporta mula sa 5,000 respondents.
Sinasabing kabilang sa mga nakiisa sa survey ay mga OFW’s o balikbayans mula sa 92 bansa sa buong mundo.
Pumangalawa naman kay Duterte si Senator Miriam Defensor-Santiago na nakasungkit ng 7%, 4% kay Mar Roxas, at 1% naman ang nakuha nina Senator Grace Poe at Vice President Jejomar Binay.
Kabilang umano sa mga tinitingnan ng mga respondent sa kanilang pagpili ng presidential candidate ay ang disiplina o matatag na pamamahala, track record, kakayahang maisulong ang pagbabago, at tapat na paglilingkod sa bayan.
Nobenta’y uno (91) porsiyento naman sa mga respondent ay nagsabing dapat gawing prioridad ng susunod na pangulo ang pagpuksa sa krimen at korapsiyon.
By Jelbert Perdez