Humingi na ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa dating presidential sister at aktres na si Kris Aquino
Ito ang inihayag ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go matapos gamitin ni PCOO Assistant-Secretary Mocha Uson ang video ng ama ni Kris na si dating Senador Ninoy Aquino upang ipagtanggol ang paghalik ni Pangulong Duterte sa isang Pinay sa South Korea.
Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, bagaman dapat ding humingi “sorry” si Mocha, hindi naman nito intensyon na bastusin si Kris nang i-share ang video.
We all agreed to put this issue to rest out of respect to all our fellow Filipinos. I believe that politics should not divide us. Pahayag ni Go.
Dagdag pa ni Go, hindi pa siya sigurado kung ang nakatakdang paghingi ng patawad ni Uson ay gagawin sa harap ng publiko o gagawin na lamang pribado.
Ngunit sa isang Facebook video, sinabi ni Uson na ang intensyon ng naunang Facebook post niya ay hindi naman patungkol kay Kris Aquino.
Sa isa pang kasunod na status, sinabi ni Uson na “hindi ito hihingi ng patawad sa pagsisiwalat ng katotohanan”
Nagsimula ang away sa pagitan ng dalawa matapos magpost ng kanyang reaksyon si Kris na hindi niya uurungan si Mocha na umano’y naglabas ng video ng pinaslang na senador na nagpapakitang hinahalikan ng Isang babae habang nasa loob ng eroplano na kuha