Dapat lamang patalsikin sa pwesto ang mga malupit at sira-ulong leader tulad ni dating German Chancellor Adolf Hitler.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa Yad Vashem Holocaust Memorial sa Jerusalem, Israel.
Ayon kay Pangulong Duterte, marami nang natutunan ang tao sa nakalipas na World War I (WWI) at World War II (WWII) kung saan anim na milyong Hudyo ang ipinapatay ni Hitler.
“I could not imagine of a country obeying an insane leader. And I could not ever fathom the spectacle of a human being going into a killing spree murdering old men, women, men, children, mother. ” Pahayag ni Duterte.
Kaisa aniya ang Pilipinas sa mga bansang tumututol sa digmaan at pag-massacre ng isang lahi dahil lamang sa pagkamuhi at tinitiyak niyang hindi na mauulit ang mga pangyayari noong WWII.
“I would like to say that we are one in saying that it will not happen again. And my country will be the first to voice such I said a massacre of a race just because of hate.” Ani Duterte.
—-