Maigi pang magkaroon ng diktador ang Pilipinas tulad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kung magpapatuloy ang problema sa iligal na droga.
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng 49th Mandaue Charter Day sa Cebu.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung hindi siya titigil sa pagsugpo sa iligal na droga at korapsyon ay maaaring mas marami umanong mamatay.
“If I stop now my crusade against drugs and if there is said no order in this place Philippines, ang corruption will continue, patay yun. I said you’re better off choosing a dictator with the likes of Marcos. That is what I suggested.” Pahayag ni Duterte.
Kasabay nito, muling minaliit ng Punong Ehekutibo si Vice President at opposition leader Leni Robredo.
Nanindigan din si Pangulong Duterte na naging talamak ang shabu sa Naga City, Camarines Sur na hometown ni Robredo.
“Pwede naman kayo mag constitutional succession, it’s Robredo. But she cannot hack it. I stand by my word na the hotbed of the…yung brother-in-law niya ang nagdala ng drugs sa Bicol, totoo yan.” Ani Duterte.