Ibinalik na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahala ng National Food Authority (NFA) at dalawang iba pang ahensya sa Department of Agriculture (DA) na una ng isinailalim sa Office of the President.
Sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 62 na nag-aamyenda sa kanyang unang EO noong 2016, ibinalik din ni Pangulong Duterte sa DA ang pamamahala sa Philippine Coconut Authority (PCA) at Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) mula sa cabinet secretary.
Ito’y sa gitna ng sinasabing rice crisis sa ilang bahagi ng bansa na nagtulak kay dating NFA Administrator Jason Aquino na magbitiw sa pwesto.
Isasailalim naman sa pamamahala ng pangulo ang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na pangunahing mandato ay tiyakin ang ugnayan ng mga government housing agency sa National Shelter Program (NSP).