Ibinuking ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinext siya ng aktres na si Kris Aquino para pakiusapang huwag ipakulong ang kanyang kapatid na si dating Pangulong Benigno Aquino III.
Kasunod ito ng kagustuhan ng Presidente na muling imbestigahan ang Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 na miyembro ng Philippine National Police Special Action Force o PNP-SAF.
Ayon sa Pangulo, sinagot niya si Kris at sinabing hindi siya naghahanap ng butas para maidiin ang dating Pangulo.
Bagkus, sinabi ng Pangulo na gusto lang niyang malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng SAF commandos.
By Avee Devierte | Report from Aileen Taliping