Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tumitigil ang Estados Unidos sa panunuyo matapos mabasura ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Ayon sa Pangulo, nakausap niya si US Ambassador to the Philippines Sung Kim bago ito magtungo sa oath taking.
Pinag-usapan aniya nila ang tungkol sa relasyon ngayon ng Pilipinas at Amerika.
Magugunitang ipinag-utos ng Pangulo ang pagbasura sa VFA dahil sa pakikiaalam umano ng Amerika sa mga usapin ng Pilipinas.
We are talking about Philippines-US relationship then I was donning the ranks of the military. Kaya sinabi ko kay ambassador, itong ruckus na, it came to a fore na yung alitan ko sa kanila, tinanggal ko ang VFA, sila naman ang lapit ng lapit,” ani Duterte.