Ibo-boycott ni incoming President Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng media.
Sa pamamagitan ni Bong Go, Executive Assistant ni Duterte, sinabi ng bagong pangulo na kung ayaw ng mga taga – media na iboycott siya ay siya na mismo ang hindi papansin sa mga ito.
Sinabi pa umano ni Duterte na tutal naman ay nananatili pa rin syang alkalde ng Davao City at si Pangulong Benigno Aquino III pa rin ang presidente hanggang sa Hunyo 30.
Una nang inihayag ng kampo ni Duterte na ititigil na nito ang gabi gabing pagpapatawag ng press briefing kasunod ng ilang kontrobesiyal na pahayag nito kasama na ang isyu sa media killings.
Ayon kay Go, ito ay upang maiwasan ang misinterpretations o maling pang-unawa sa mga pahayag ng bagong pangulo.
Aniya, ang lahat ng magiging statement ni Pangulong Duterte ay idadadaan sa PTV 4, ang television station na pag-aari ng gobyerno.
By Rianne Briones