Idinaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa national television ang paghahanap sa anak na si Sebastian “Baste” Duterte dahil hindi siya umuuwi sa kanilang bahay.
Sa kanyang talumpati sa kick-off ng pinalakas na kampanya sa pangungulekta ng buwis ng Bureau of Internal Revenue, hindi naiwasan ng Pangulo na banggitin ang bunsong anak dahil hindi na umano siya nakikita ng kanyang anak at palagi aniyang nasa piling ng starlet na si Ellen Adarna.
Sinabi ng Pangulo na nasasaktan siya sa tuwing “Mama” lamang ang isinasagot ng kanyang apo kapag tinatanong kung sino ang mas mahal niya.
Ayon sa Pangulo, hindi niya alam kung nasaan si Baste dahil hindi siya sumasagot sa tawag.
By Avee Devierte | Report from Aileen Taliping