Walang karapatan si Senador Antonio Trillanes IV na magsalita kaugnay sa katiwalian.
Ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte, ang mga magulang ni Trillanes ang nakakuha ng maraming kontrata sa militar noong nasa serbisyo pa ang ama ng senador.
“Ang tatay niyan nasa serbisyo pa, siya nasa serbisyo na sundalo na siya ang transaction karamihang supply sa Navy, ang nanay niya. Kung ayaw niyo maniwala tanungin niyo yung Navy.” Pahayag ni Duterte.
Inalmahan naman ni Senador Antonio Trillanes ang paratang ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa katiwalian ang kanyang mga magulang.
Ayon kay Trillanes, hindi dapat idamay ng Pangulo sa kanilang hidwaan ang kanyang 84-taong gulang na ina na meron nang advanced stage ng Parkinson’s disease.
Dagdag pa ng senador, taong 1988 nang magretiro sa Philippine Navy ang kanyang ama at namatay noong 1998.
Sinabi pa ni Trillanes, wala siyang ideya kung may nagkaroon man ng kaugnayan ang kanyang mga magulang sa mga kontrata sa Philippine Navy dahila high school student aniya siya noong nasa serbisyo ang kanyang ama.
Iginiit din ni Trillanes na pinalaki silang maayos ng kanilang mga magulang at walang kinaharap na anumang kasong katiwalian ang mga ito.
—-