Idineklara ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na siya ang magiging kauna-unahang makakaliwang pangulo ng bansa sa oras na manalo ito sa pagka-presidente sa May 9 elections.
Gayunman, nilinaw ni Duterte na hindi siya miyembro ng Communist Party of the Philippines o ng New People’s Army.
Iginiit ni Duterte na hindi siya maaaring lumahok sa naturang mga communist group dahil para aniya siya sa demokrasya.
Sa kanyang kampanya, inamin ni Duterte na mayroon siyang ugnayan sa mga Moro.
Ito ay dahil sa ang kanyang ina ay isang Maranao habang ang anak niyang si Paolo ay nakapangasawa din ng isang Maranao na may amang isang Tausug.
Nangako si Duterte na kung siya ang mahahalal na pangulo ay kanya aniyang po-protektahan ang Republika ng Pilipinas.
By Ralph Obina