Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga convict na nakinabang sa GCTA na wala silang dapat na ikabahala kung tama naman ang naging pagkuwenta sa kanilang time allowance.
Ang garantiya ay ginawa ng presidente sa harap ng nauna na nitong kautusan na bumalik muna sa BuCor ang halos 2,000 mga inmate para sa re-computation ng kanilang sentensiya.
Sabi ng pangulo, walang anomang magiging problema kung tama naman ang computation at maging kuwalipikado ang isang inmate para makabenepisyo sa GCTA.
Pero sa hanay ng mga presong ang kaso ay karumal dumal, ibang usapan na aniya ito na kailangan niyang pag- isipang maigi.
Dalawang opsiyon ang inilatag dito ng presidente at ito ay “palayain” sila o di kaya’y ihulog na lang sa Pasig River.
Sa mga ayaw namang magsisuko, sinabi ng presidente na siguradong tutugisin sila ng puwersa ng pamahalaan.