Sa unang pagkakataon, inamin ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kinokonsidera na niyang tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2016 elections.
Nagbabala din si Duterte kay Justice Sec. Leila de Lima at dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales na hindi siya titigil sa pagbulgar ng kinasasangkutang kontrobersiya ng dalawa.
Sinabi pa nito pa nito na palagi siyang nagdadasal para maliwanagan kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon lalo’t hindi niya ito kailangan.
Hinihintay na lang umano ng alkalde ang iba pa niyang kritiko na lumabas saka siya maglalabas ng kanyang desisyon.
Matatandaang sinabihan ni de Lima na may pananagutang kriminal si Duterte sa pag-aming may kinalaman ito sa tinaguriang Davao Death Squad ngunit kumambiyo ang alkalde at sinabing sa Davao Development System siya kabilang.
By Mariboy Ysibido